Nabudol po ako ng agent na nagpakilala na pampangas Best agent na nagpunta sa pwesto ko. Yan po ang karamihan na produkto na binigay nya… may mga agent po kau na nagiikot sa mga lugar.

Ito po nangyari maam nangyari ito nung April 30.
Pumunta po sa pwesto namin… nasa highway ang pwesto namin… siguro napansin nya na bago lang kami kaya kami pinuntahan.. medjo open ang pwesto ko lc mga itlog palang ang tinda ko. Inalok kami mag dealer sa pampangas Best. Dun sa pricelist nya nandun ang per package na pwede ma avail para maging delear… may cashback pa ng ilan percent, per month daw yun. Sasabihin pa nya na papahiramin ng Freezer at may mga reselear daw sya na sa akin kukuha para di ako mahirapan mag dispose ng produkto,,, every week pupunta sila kung sakali may natira sa product papalitan nila weekly daw yun.

Kaya napa oo kami na kumuha ng package… the same day bumalik dala na ang mga produkto pero wala pang freezer kc daw i rerequest pa sa office nila. Kaya nasa styro lang ang froozen at ang iba nasa plastic bag.

Nung dumating dalawa na sila, buhat buhat na nya ang styro na may mga froozen tapos yunh mga papel na pepermahin na kaylangan… yun pagkadating nila sabi ko bilangin muna natin tapos sabi ok na yan completo na yan at may libre na isa bawat klase ng product. Kaya uumahin nya na mapa perma ka, lilituhin ka eh bast ang hawak na ang recibo pinaperma nya ako… magulo lc sulat nung sa recibo eh medjo malabo na mata ko kaya perma nalang ako… at parang may naamoy ako na parang nakakahilo kaya gagawin mo nalang na matapos na ang transuction.

Nung tapos na magperma na pinakuha na ang pera. Habang nagbibilang sinasabi nya na babalik daw sila kinabukasan para ihatid ang freezer. Nagbilangan din kami ng pera tapos nyan bubuksan ko na ang styro para bilangin bigla nalang sila nawala. Kaya tuloy na ako sa pag bilang ng mga producto.. nung matapos ako mag bilang dun ko lang nalamn na wala ibang produkto at nung kinumpute ko masyadong malaki ang mga price bawat product.

Credits: Nhor Lab

Based on our investigation, the brand “Mega Bites Meat Products” and the address of “Brgy. Sta. Ines, Florida, Angeles, Pampanga” are non-existent.